Panahon na naman ng pagibig,
ika nga ng marami. Pebrero nanaman raw kasi at nalalapit na ang araw ng mga
puso o Valentines day. Nagdiriwang ngayon ang mga may lovelife. Marami nanamang
mga lovers diyan sa tabi-tabi ang todo maglambingan at siyempre hindi mawawala
ang mga loner na senti-sentihan naman sa kung saang sulok, pero papatalo ba ang
mga broken heart jan na nagkukulong sa
kanilang mga kwarto habang sige ang update ng kanilang kaawa-awang status.
Nagluluksa nga raw ang mga
taong kabe-break lang dahil nataon pang Valentines day na. Pagkamalas-malas mo
nga naman ano? walang magbibigay sayo ng flowers at chocolate. Wala kadin
kadate at ka-aylabyuhan. Kawawa ka naman ineng/dong!
Gaano nga ba kasakit ang
maiwan ng minamahal sa kasagsagan ng buwan ng PAG IBIG ?
Ikababaliw mo ba?
ikagagalit mo sa mundo?
ikababago ba ng buhay mo?
o ikamamatay mo pa?
Wag ka naman masyadong O.A
ateng/koyah dahil ipinapaalala ko lang na hindi pa po katapusan ng mundo. May
magandang bukas pa po na nagaantay sayo. Nagbreak lang po kayo ng kasintahan,
jowa, atoys, bowa, boyfriend/girlfriend mo at hndi pa nakatakdang sumabog ang
araw at buwan kaya ipagpatuloy ang buhay.Narito ang ilang tips o payo kung
paano ka makakapag-move on.
Paano mag-move on?
1. iblock sa cellphone mo ang
number niya. Iblock mo nadin pati sa facebook mo. Lumayo sa lahat ng
magpapaalala sa kanya.
-bitter na kung bitter ang dating pero
makakatulong talaga ito ng malaki sayo. Maiiwasan nang maalala mo siya bababa
pa ang chance na makita mo yung bago niya. Mainsecure ka pa!
2. Lumabas ng bahay at
makisalamuha.
- di ko sinabe na pumarty ka o
maglakwatsa, ibig kong sabihin ay makipagkapwa tao ka, libangen mo ang sarili
mo. Ibaling mo sa iba ang atensyon mo. Makakalimutan mo na siya, tipid kapa sa
luha. Gastos nga lang sa pera.
3. Wag mong dagdagan ng arte
o drama ang sakit na nararamdaman mo.
-alam mo nang broken hearted ka
magpapakasenti o emo ka pa. Iwasan mo ang mga love quotes at mga love songs.
Tigilan ang kadramahan sa facebook o twitter. Iniwan ka na pinagsisigawan mo
pa.
Tatlo lang talaga to kaya wag
kana maghanap ng ibang payo. Pag ginawa mo naman to ay tiyak na giginhawa ang
pakiramdam mo.
Additional lang dahil buwan
ng mga puso ngayon at alam kong durog na durog kana. Wag mong pansinin ang
kalendaryo , ganun lang un kasimple. Pagdating ng February 14, andyan ang mga
magulang at kaibigan mo. Sila nalang ang batiin mo. Wag ka ring madamot ikaw nalang
magbigay ng flowers at chocolate. Hayaan mo na, umasa nalang na next year may
magbibigay na sayo.
YUNG TOTOO LANG PO sinasabe
ko, move on na te!