Sunday, February 9, 2014
Mga lalaking chismoso
Isang napakagandang umaga ang sumalubong sakin pagmulat ko ng mata. May pagkain kasi sa mesa dahil nagluto si mama ko ng umagahan. Kaya din maganda ang gising ko kasi hindi ako pumasok kaya nakumpleto anga king beauty rest .
Nang biglang magring ang cellphone ko, ayun at si boyfriend pala. Nagtatanong kung ano daw ba yung pinost ko tungkol kay Wally Bayola. Aba sa dami-dami ng itatanong yun talga ?? Noong sabado ko pa iyon pinost, mga 3 status siguro sa facebook na ang topic ko ay " Wally Bayola, Back in Eat Bulaga ". Di naman siya mahilig mag-open ng facebook kaya siguro Monday niya pa nalaman. Pero ang masaklap, inasar daw siya ng katrabaho niya na ang girlfriend niya ay fan ni Wally Bayola. Aba teh, anong ibig sabihin nito ? Loko tong katrabaho niya ha.
Mejo napikon na po ako sa katrabaho niyang ito. Pano kasi hindi ito ang unang pagkakataon na nagbasa siya ng mga post ko at sinusumbong sa boyfriend ko. Wala naman dapat isumbong. Inaasar niya lang talaga yung boyfriend ko. Eh napaka chismoso naman nitong lalaking to. Wala ba siyang buhay na dapat pakialaman ?
Ang ending para matapos nalang ang pag-istalk niya sa aking Facebook account. BLOCK ! ganun lang po iyon kadali .
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment