Tuesday, February 11, 2014

Paano mag-move on




Panahon na naman ng pagibig, ika nga ng marami. Pebrero nanaman raw kasi at nalalapit na ang araw ng mga puso o Valentines day. Nagdiriwang ngayon ang mga may lovelife. Marami nanamang mga lovers diyan sa tabi-tabi ang todo maglambingan at siyempre hindi mawawala ang mga loner na senti-sentihan naman sa kung saang sulok, pero papatalo ba ang mga broken heart jan na  nagkukulong sa kanilang mga kwarto habang sige ang update ng kanilang kaawa-awang status.


Nagluluksa nga raw ang mga taong kabe-break lang dahil nataon pang Valentines day na. Pagkamalas-malas mo nga naman ano? walang magbibigay sayo ng flowers at chocolate. Wala kadin kadate at ka-aylabyuhan. Kawawa ka naman ineng/dong!


Gaano nga ba kasakit ang maiwan ng minamahal sa kasagsagan ng buwan ng PAG IBIG ?

Ikababaliw mo ba?
ikagagalit mo sa mundo?
ikababago ba ng buhay mo?
o ikamamatay mo pa?


Wag ka naman masyadong O.A ateng/koyah dahil ipinapaalala ko lang na hindi pa po katapusan ng mundo. May magandang bukas pa po na nagaantay sayo. Nagbreak lang po kayo ng kasintahan, jowa, atoys, bowa, boyfriend/girlfriend mo at hndi pa nakatakdang sumabog ang araw at buwan kaya ipagpatuloy ang buhay.Narito ang ilang tips o payo kung paano ka makakapag-move on.


Paano mag-move on?

1. iblock sa cellphone mo ang number niya. Iblock mo nadin pati sa facebook mo. Lumayo sa lahat ng magpapaalala sa kanya.
     -bitter na kung bitter ang dating pero makakatulong talaga ito ng malaki sayo. Maiiwasan nang maalala mo siya bababa pa ang chance na makita mo yung bago niya. Mainsecure ka pa!

2. Lumabas ng bahay at makisalamuha.
     - di ko sinabe na pumarty ka o maglakwatsa, ibig kong sabihin ay makipagkapwa tao ka, libangen mo ang sarili mo. Ibaling mo sa iba ang atensyon mo. Makakalimutan mo na siya, tipid kapa sa luha. Gastos nga lang sa pera.


3. Wag mong dagdagan ng arte o drama ang sakit na nararamdaman mo.
     -alam mo nang broken hearted ka magpapakasenti o emo ka pa. Iwasan mo ang mga love quotes at mga love songs. Tigilan ang kadramahan sa facebook o twitter. Iniwan ka na pinagsisigawan mo pa.


Tatlo lang talaga to kaya wag kana maghanap ng ibang payo. Pag ginawa mo naman to ay tiyak na giginhawa ang pakiramdam mo.

Additional lang dahil buwan ng mga puso ngayon at alam kong durog na durog kana. Wag mong pansinin ang kalendaryo , ganun lang un kasimple. Pagdating ng February 14, andyan ang mga magulang at kaibigan mo. Sila nalang ang batiin mo. Wag ka ring madamot ikaw nalang magbigay ng flowers at chocolate. Hayaan mo na, umasa nalang na next year may magbibigay na sayo.


YUNG TOTOO LANG PO sinasabe ko, move on na te!















No comments:

Post a Comment