kung minsan ang taoy nawawala
sa kawalan siya ngayoy
gumagala
walang inspirasyon walang pagasa
walang naisin walang panlasa
kung minsan ang taoy
nalulugmok
sa kalungkutang di mawari ang
turok
o kay manhid ng puso sa
pagtibok
bato na , manhid na sa papopok
masdan man ang bawat
pangyayari
mata may tila may sinasbi
ang tunay ay wala namang
silbi
pagkat isapan nyay purong
puti
tahimik na lamang sa isang
tabi
walang rasong pagaganahin ang
labi
hayaan lang matuyot ang tinta
putol na panulat wag nang
tasahan pa.
dahil kung minsan ang taoy
mapapagod
nauubusan ng tinta at
napupudpod
at ang tanging tulong na
kanyang ibig
kapayapaan, katahimikan ng
kanyang daigdig
No comments:
Post a Comment